Sa ilalim ng Consumer Act, ipinagbabawal ang Unfair or Unconscionable Sales Acts or Practices .
Sa DTI Department Administrative Order No. 21-03 naman, malinaw na itinuturing na unfair o unconscionable sales practice ang pag-enforce ng “Installment Only” Policy .
Sa pag-benta ng consumer products (kasama ang motor ), dapat laging bigyan ang customer ng option to pay in cash.
Kung ang tinatanggap lang na bayad ng dealership ay through installments- violation ‘yan ng Consumer Act, at pwede silang i-report sa DTI para d’yan:
Fair Trade Enforcement Bureau
Department of Trade and Industry
Hotline: One-DTI (1-384)
Phone: (+632)7215-1136
Email: FTEB@dti.gov.ph
Pwede ring magpadala ag complaint sa pinakamalapit na DTI Regional o Provincial Office sa inyo; ang directory ay makikita dito: https://www.dti.gov.ph/contact/.
Ang parusa sa ganyang gawain- multa hanggang P10,000.00 o pagkakakulong mula (5) months hanggang 1 year, or both .
Madalas, napakalaki talaga ng interest na pinapatong kung installment basis ang pagbili, at mas maraming kikitan ang dealerships dito.
Pero ang pinaghirapan at pinag-ipunan para mapangbili in cash, hindi pwedeng ‘di tanggapin!