Sa ilalim ng Safe Spaces Act, pinagbabawalan ang pambabastos o sexual harassment sa pamamagitan ng paggawa o pagsabi ng hindi ninanais na akto o salitang sekswal, tulad ng:
(i) pagsipol;
(ii) pagsigaw ng “sexy!” o ibang salitang hindi kanais-nais;
(iii) paulit-ulit na pag-komento sa itsura;
(iv) paulit-ulit na paghingi ng personal na impormasyon;
(v) publikong pagbabati o pagpapakita ng sensitibong parte ng katawan;
(vi) paghawak o pagpisil sa sensitibong parte ng katawan ng iba; o
(vii) anumang gawain o salitang sekswal na nagbabanta sa katiwasayan o kaligtasan ng biktima.
Ito ay pinagbabawalan sa lahat ng pampublikong lugar, sa paaralan, sa pinagtatrabahuan, at kahit online (sa pamamagitan ng pag-comment o pag-message sa Facebook, Twitter, email, atbp.) Ang krimeng ito ay pinarurusahan ng multa o pagkakakulong, depende sa tindi ng ginawang pambabastos.
Bukod sa nabanggit, maaaring masaklaw din ang pagbigkas ng mga bastos na salita sa krimen ng Unjust Vexation sa ilalim ng Revised Penal Code. Ayon sa Supreme Court, ang Unjust Vexation ay krimen na malawak ang saklaw kung saan napapaloob dito ang anumang gawain ng taong nagdadala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa kaisipan ng taong pinatutunguhan ng nasabing gawain. Mayroon din itong karampatang parusang kulong o/at multa.
Ang elements naman nito ay:
(1) Mayroong human conduct ang offender na unjustly annoys or irritates ang biktima;
(2) Ang human conduct na ito ay ginawa ng offender nang walang violence;
(3) Ang human conduct na ito ng offender ay nagdala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa biktima;
(4) Ang paggawa nito ng offender ay ginawa nang may criminal intent o sinadyang gawin para sa purpose na nabanggit;