Copyright
Una- i-define muna natin ang “Copyright.”
“Copyright” ang tawag sa exclusive rights ng isang creator sa kanyang original literary o artistic work.
Base dito- ang creator ay may control sa kanyang gawa, at in general- siya lang ang may karapatan na gamitin, i-publish, i-reproduce, o pagkakitaan ang gawa niya.
Kasama sa works na protektado ng Copyright ang mga libro, articles, music, songs, paintings and drawings, graphic designs, photographs, at videos.
Ayon sa batas, nagkakaroon ng Copyright sa mga works na ito “by the sole fact of their creation.”
Ibig sabihin- basta tapos na ang original at concrete work, sa mata ng batas ay protektado na ito ng Copyright.
Dahil dito- safe to assume na lahat ng artworks, songs, pictures, at videos online na gawa ng iba ay protektado ng Copyright law (kahit pa accessible ito satin).
Kung gamitin nang walang permiso ng creator- puwedeng maging liable for copyright infringement.
Fair Use
Ngayon, ano naman ang “Fair Use”?
Ito naman ay exception sa exclusivity ng Copyright.
Ayon sa batas, “fair use of a copyrighted work for criticism, comment, news reporting, teaching… scholarship, research, and similar purposes is not an infringement of copyright.”
Ang determination ng Fair Use ay subjective- at naka-depende sa bawat sitwasyon. Ito ang factors na tinitignan:
- a) The purpose and character of the use, including whether such use is of a commercial nature or is for non-profit educational purposes;
- b) The nature of the copyrighted work;
- c) The amount and substantiality of the portion used in relation to the copyrighted work as a whole; and
- d) The effect of the use upon the potential market for or value of the copyrighted work.
Part ng consideration kung nagdagdag ba ng “new expression, meaning or message” para i-transform ang gawa ng iba, at gaano ka-laking parte nito ang ginamit.
Sa huli, pinaka-okey pa ring magpaalam sa original creator bago gamitin ang gawa nila. O kaya naman ay maghanap ng materials na part ng public domain.