Sa sitwasyon na inaresto, manatiliing kalmado lamang. Sa lahat ng pagkakataon, huwag tutulan ng pisikal ang pag-aresto sa iyo.
Ipahayag na ikaw ay tutol sa iyong pagka-aresto at wala kang waiver o pagtalikod na gagawin sa lahat ng karapatan mo, at sasama ka nang mahihahon sa arresting team para iwasan ang karahasan. Kung may cell phone, mag-text sa iyong pamilya, mga kaibigan, at abogado, para malaman nilang ikaw ay inaaresto. Hilingin na payagan kang tumawag sa isang abogado, at sabihin dito ang detalye ng nangyayari.
Mariin naming iminumungkahi na sa ganitong sitwasyon, mag-contact agad ng abogado. Maari kayong sumangguni sa mga abogado ng Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS, Inc.) sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa qrt.ideals@protonmail.com o pagtawag sa numerong makikita sa https://ideals.org.ph/index.php/reach-us/.