Ang Estate Tax Amnesty ay maaaring i-avail ng mga tagapagmana ng mga namatay on or before December 31, 2017 na hindi covered ng mga exceptions under Section 2 ng Revenue Regulations No. 6-2019. Ayon sa batas, ang estate amnesty rate ay 6% ng total taxable estate at the time of death na hindi bababa sa Php5,000.00. Ang kagandahan ng pag-avail ng Estate Tax Amnesty ay mas mababa ang rate ng estate tax at 6%, kumpara sa dating 5% – 20% at walang penalty na kasama.
Ang mga Revenue Regulations, Revenue Memorandum Circulars, Revenue Memorandum Orders, at iba pang issuance ng BIR ay mga gabay sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11213 o ang Tax Amnesty Act na siyang naglalaman ng Estate Amnesty provisions.
Para mag-avail nito (kung applicable man), kailangang mag-file ng Estate Tax Amnesty Return sa BIR revenue district office nang huling tirahan ng pumanaw bago o sa mismong June 14, 2023, ayon naman sa BIR RR No. 17-2021.