Ilegal po at hindi pinapayagan ng ating batas ang biglang pagbawas sa benefits ng empleyado.
Sa maraming kaso, naipaliwanag na ng Supreme Court na anumang benefit na ibinibigay ng employer sa mga empleyado (base man sa kontrata o karaniwang practice ng kumpanya)-
Hindi maaaaring basta bawiin o bawasan ng kumpanya.
Ang prinsipyong ito ay tinatawag na “non-diminution of benefits”.
Kung ang nakukuhang benefit ay:
- base sa polisiyang karaniwang practice ng kumpanya sa mahabang panahon;
- ang practice na ito ay sadya at consistent;
- ang practice ay hindi pagkakamali; at
- ang pagbawi o pagbawas sa kinagawiang benefits ay dinesisyunang mag-isa ng employer-
Bawal ito- at itinuturing na violation sa prinsipyo ng “non-diminution of benefits.”
Kung ang ginawa ng kumpanya ay pasok sa mga rekisitiong ito- pwede itong i-reklamo sa Department of Labor and Employment.
Sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makikita sa sumusunod na link: https://ble.dole.gov.ph/dole-regional-offices/.