Kailangan munang magfile ng angkop na kaso, o tinatawag na action for the recognition o action to establish filiation.
“Filiation” ang tawag sa relasyon ng magulang sa anak nito.
Ang filiation proceedings ay ginagawa ‘di lang para ma-determina ang relasyon, but also para i-secure ang mga karapatan bilang anak- gaya ng citizenship, support (gaya sa kasong ito), o mana.
Dito, kailangang patunayan na tatay mo nga ito- pero paano ito ginagawa?
Sa Articles 172 and 175 ng Family Code, nakasaad na ang filiation ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng sumusunod:
- i. Una, ang nakasaad sa record of birth (o birth certificate) sa civil register; at
- ii. Pangalawa, ang pag-amin ng tatay na nakasulat sa isang public document o private handwritten instrument na pinirmahan niya.
Kung hindi naman available ang ganitong mga ebidensya, pwedeng ipakita bilang patunay ang sumusunod:
- i. Bukas, publiko, at tuloy-tuloy na pagtrato sa bata bilang anak; o
- ii. Iba pang paraang pinapayagan ng Rules of Court.
Sa mga desisyon ng Supreme Court, ipinaliwanag nito na pwedeng gamitin ang mga makabagong science and technology para patunayan ang filiation. Kasama dito ang napapanood nating DNA testing.
Maraming paraan para i-establish na anak nga ng sinasabing tatay, at piliting itong gampanan ang mga obligasyon sa batas.