Ang hindi pagreremit ng SSS, Pag-IBIG at Philhealth contributions ng employee ay maaaring maging sanhi para maging liable ang employer. Mayroon itong mga kaakibat na administratibong parusa, criminal liability (pagkakakulong), multa (fines), o di kaya naman ay danyos sa employees na hindi nabayaran ang contributions.
Maaari niyo pong isuplong sa tanggapan ng SSS, PHILHEALTH, at Pag-IBIG ang employer na hindi nagreremit ng mandated na contributions. Sa ilalim ng Social Security Act, pinarurusahan ang failure ng employer na ideduct ang contributions mula sa sweldo ng empleyado at i-remit ito sa SSS ng pagkakakulong at pagbayad ng fine. Katulad ng SSS remittances, pinarurusahan rin ang hindi pag-remit ng Pag-IBIG contributions ng pagkakakulong at/o pagbayad ng fine. Samantala, ang failure o refusal ng employer na mag-remit ng contributions sa PhilHealth ay pinarurusahan naman ng fine na hindi bababa ng P5,000 at hindi hihigit ng P10,000, multiplied by the number of employees.
Ang contact details ng SSS ay:
SSS Hotline: 1455
Toll-Free No.: 1-800-10-2255777
SSS Email: member_relations@sss.gov.ph
Ang sa Philhealth naman ay:
Call Center Hotline 84417442
Callback Channel: 0921-630-0009
(Text “PHICcallback [space] Mobile No. or Metro Manila landline [space]
details of your concern” and we will call you during office hours.)
Or pwedeng sumangguni sa regional offices ng Philhealth na ang contact ay makikita sa link an ito: https://www.philhealth.gov.ph/about_us/map/regional.htm
Sa Pag-IBIG naman ay:
8724-4244
Pwede ring magsend ng email sa contactus@pagibigfund.gov.ph
Pwede ring icheck ang pinakamalapit na branch sa inyo sa link na ito:
https://www.pagibigfund.gov.ph/directory_chq.html
Good morning sir pwede magtanong may kapatid akong nagtatrabaho noon pa pero tumigil na sya ng mga ilang taon pero tuloy tuloy parin ang pagbabayad nya ng SSS,kaso natigil daw noon dumating ang bagyong ODETTE,mga ilan buwan indi nya daw nababayaran ,pero at ng mga ilan buwan bibayran naman daw nya ulit hanggang ngayon,,Ang tanon may habo pa ba sya sa pension sa iada nya mag 60,
Pakisagot lng po sa tanong ko Maraming Salamat po/Sylvia
Magandang gabi po. Isang regular employee po ang Tatay ko mula pa nang 1992 sa Small Town Lottery. Kahit ganunpaman po ay mga bandang 2008, 2013 at 2014 pa lang nagsimula ang SSS, PAGIBIG at PHILHEALTH nya. Ang problema po ngayon ay nakita namin na August 2020 pa po ang last na updated na contribution ng employer sa kanyang mga account. Tumawag po siya at sinabi na dahil 65 years old na siya kaya po siya tinanggal sa mga benefits at hindi na hinulugan. Ano po ba ang ang dapat gawing aksyon dito?
Hindi po kme kinakaltasan ng benefits ng employer nmin.. Inaayos pa daw po kasi , mag 2 years na po kmi sa trabaho .. may makukuha pa po ba kme kpag naayos o wala na po dhil hndi nman kme nkakaltasan
Ako po ay 3 taon at 7 bwan na ngttrabaho sa isang companya as office staff ako Po ay nakunan noon July 23,2023 . Gagamitin ko sana Ang asking philhealth subalit nalaman kopo na 1 month plang Ang nabayad sakin .. ano Po Kaya Ang pwedeng Kong gawin naiconcern kona man napo ito sa asking employer ngunit WLa pa Po silang malinaw na tugon
Ako po ay 1year and 6mons na sa company.pero mula April 2022 hanggang April 2023,wala pong hulog ang sss ko.anu po ba pwede ko gawin?ngaun po kasi magreresign na ako