Hindi pinapayagan ang biglang pagtanggal sa trabaho ng isang regular employee, nang walang abiso at sapat na basehan ayon sa batas.
Sa anumang termination, dapat patunayan ng employer na may just or authorized cause, at may notice na ibinigay sa empleyado.
Ang just cause- dahilan sa pagtanggal base sa pagkakamali ng empleyado. Ito ay ang sumusunod:
- a) Serious Misconduct
- b) Willful Disobedience or Insubordination
- c) Gross and Habitual Neglect of Duties
- d) Fraud or Willful Breach of Trust
- e) Loss of Confidence
- f) Commission of a Crime or Offense; at
- g) Analogous Causes.
Sa termination based on just cause, dapat sundin ang Twin Notice Rule. Ibig sabihin- dalawang written notice ang dapat ibigay sa empleyado.
Una para ipaalam ang just cause ng pagtanggal, kung anong akto ang basehan nito, at para magbigay ng oportunidad sa empleyadong depensahan ang sarili. Pangalawa, kung nakitang may sapat na ebidensya at basehan- ipaalam ang mismong termination.
Ang authorized cause naman- dahilan na ‘di kasalanan ng empleyado, ngunit kailangan sa ikabubuti ng employer. Ito ay ang sumusunod:
- a) Installation of Labor-saving Devices
- b) Redundancy
- c) Retrenchment or Downsizing
- d) Closure or Cessation of Operation; at
- e) Disease
Dito naman, dapat bigyan ng written notice ang empleyado at ang angkop na DOLE Regional Office at least 30 days bago ang termination.
Kung tinanggal sa trabaho nang walang just or authorized cause, illegal dismissal ‘yan at may karapatan sa reinstatement, full backwages, at danyos.
Kung may legal na rason sa pagtanggal ngunit ‘di sumunod sa proseso- may karapatan naman ang empleyado sa danyos .
Para ireklamo, pwedeng lumapit sa lokal na DOLE Regional Offices (https://www.dole.gov.ph/key-officials/), o i-contact ang DOLE Hotline 1349.