Ayon sa Article 445 ng Civil Code na sinasabing “Whatever is built, planted or sown on the land of another and the improvements or repairs made thereon, belong to the owner of the land, subject to the provisions of the following articles”. Ayon sa nasabing batas, kinakailangang tignan ang mga sumusunod na articles upang makita ang karapatan ng bawat isa sa sitwasyong kagaya ng sa inyo. Mayroon pong 3 scenario na iniisip ang ating batas ukol dito:
(1) Ang nagpatayo/nagtanim ay alam na wala siyang titulo sa lupa o/at may ibang may-ari ng lupang pinagtayuan (bad faith)
• Hindi entitled ang nagpatayo/nagtanim sa kahit anong bayad para sa kanyang ginawa at ang ownership ng itinayo/itinanim ay doon na mapupunta sa may-ari ng lupa.
• Maaari rin pong obligahin ng may-ari ang nagpatayo/nagtanim na alisin ito at ibalik sa dating kondisyon ang lupa kagaya ng noong bago ito napatayuan/nataniman. Ang gagastos sa ganitong sitwasyon ay ang nagpatayo/nagtanim.
• Maaari rin pong obligahin ang nagpatayo/nagtanim na bayaran ang value ng lupa o magbayad ng kaukulang renta. Entitled naman ang nagpatayo/nagtanim sa pagbayad ng may-ari ng lupa ng necessary expenses sa pagmaintain ng lupa.
• Sa alinmang sitwasyon na nabanggit, entitled sa danyos ang may-ari ng lupa.
(2) Ang nagpatayo/nagtanim ay naniwala na siya ang may-ari ng lupa at wala siyang dahilan upang isiping may ibang may-ari ng lupa (good faith)
• Mayroon pong several options ang may-ari ng lupa dito:
(a) maaari pong mapunta na sa may-ari ng lupa ang ipinatayo/itinanim kung babayaran niya ang necessary and useful expenses na may kinalaman sa pagpapatayo or pagtatanim nito; or
(b) maaari niyang piliin na ang nagpatayo/nagtanim ay bayaran ang presyo ng lupa kung ang value ng lupa ay hindi considerably mas malaki kaysa sa value ng ipinatayo/itinanim. Kung sakali naman pong masyadong malaki ang value ng lupa, maaaring magdemand na lang ang may-ari na magbayad ng rent ang taong nagpatayo/nagtanim.
(3) Kung sakali naman pong alam ng nagpatayo/nagtanim na may ibang may-ari pero ang nasabing may-ari naman ay alam ang tungkol sa pagpapatayo/pgtatanim at hindi ito tinutulan ng nasabing may-ari, sinasabi sa batas na parehong in bad faith ang may-ari at nagpatayo/nagtanim. Sa ganitong sitwasyon po, ang mag-aapply na scenario ay ang (2 o good faith na nabanggit sa taas) kung saan dalawa ang options ng may-ari ng lupa.