Bilang owner ng lupa, may karapatan po kayong gamitin ito sa paraang gusto ninyo.
Matatagpuan sa Civil Code ang gabay sa ganitong sitwasyon, at nagde-depende ang inyong pwedeng kung sa sitwasyon ay maituturing na in good faith o in bad faith ang nagtanim.
Sa madaling salita, kung alam ba ng nagtanim na wala siyang karapatan sa lupa at mali ang ginagawa.
UNA- Kung pinayagan niyo po naman ang pagtatanim, o kaya naman ay akala ng kapitbahay sa kanya ay lupang pinagtaniman, maituturing na in good faith siya.
Sa ilalim ng Article 448 ng Civil Code, sa ganitong sitwasyon, ang mga option ninyo ay:
- Angkinin ang mga itinanim (pero kailangang bayaran ang nagtanim para sa halaga nito); o
- Pilitin ang nagtanim na bilhin ang lupa, kung ang halaga nito ay hindi masyadong higit sa halaga ng itinanim; o
- Maningil ng renta, kung ang halaga ng lupa ay napakataas kumpara sa itinanim, at ayaw niyo namang angkinin ang mga itinanim.
PANGALAWA- Kung wala namang pahintulot niyo ang pagtatanim, at alam ng kapitbahay na hindi niya lupa ang tinataniman niya, maituturing siyang in bad faith.
Sa Articles 449 to 452 ng Civil Code, ang karapatan niyo po naman dito ay:
- Angkinin ang mga itinanim (nang walang obligasyong bayaran ang halaga);
- Pilitin na ipatanggal ang itinanim para ibalik ang lupa sa dating kalagayan; o
- Pilitin na bayaran ng nagtanim na bilhin ang lupa.
Kung ginawa ito in bad faith, bukod sa mga option na ‘yan ay may karapatan rin kayong singilin ng danyos ang kapitbahay.
Kung alam ng nagtanim wala syang karapatan sa lupa- sa batas ay wala rin talaga siyang mac-claim na karapatan sa mga itinanim.
At bilang owner ng lupa- karapatan po ninyo ang mangingibabaw.