Maaari itong masaklaw ng criminal case na Violation of Domicile.
Ayon sa Article 128 ng Revised Penal Code, maari magsampa ng kriminal kaso ng Violation of Domicile sa mga sumusunod na sitwasyon:
(1) Pumasok ang pulis na walang search warrant sa loob ng bahay na walang pahintulot mula sa may-ari;
(2) Pumasok ang pulis na walang search warrant sa loob ng bahay at naghalungkat at nanghalughog ng mga kagamitan sa loob ng bahay na walang pahintulot mula sa may-ari; o
(3) Pumasok ang pulis na walang search warrant sa loob ng bahay ngunit tumanggi umalis matapos paalisin ng may-ari.
Ayon sa National Police Commission Memorandum Circular No. 2016-002, maari rin maghain ng complaint sa People’s Law Enforcement Board ng PNP para sa Grave Misconduct dahil sa paglabag sa batas sa itaas.
Bukod sa criminal case na nabanggit, maaari rin magsampa ng civil case para maningil ng danyos para sa illegal na pagpasok sa bahay ninyo. Ayon sa Article 32:
Any public officer or employee, or any private individual, who directly or indirectly obstructs, defeats, violates or in any manner impedes or impairs any of the following rights and liberties of another person shall be liable to the latter for damages:
xxx
(9) The right to be secure in one’s person, house, papers, and effects against unreasonable searches and seizures;