Pwede pong gumawa ng mga hakbang para idemand ang pag-alis nila sa lupa at kalaunan ay pwedeng magsampa ng kaso laban sa kanila.
Pwede pong simulan ang proseso sa pagpapadala ng demand letter sa taong ayaw umalis sa inyong property. Mainam tandaan na ilagay sa demand letter ang demand na umalis siya sa property, ang kasunduan o kontrata na basehan ng iyong demand or ang katotohanan na pinatira lamang siya doon at kailangan na ninyong gamitin ito, ang pagtakda ng panahon para tumugon sila sayo, at ang paalala na maaari kang gumamit ng iba pang legal remedies para maipaglaban ang iyong karapatan kung hindi siya tumugon sa takdang panahon. Bukod dito, mainam din tandaan na ipadala ang demand letter gamit ang registered mail para makakuha mula sa post office ng proof of service o patunay na ito ay napadala sa iyong sinisingil. Maaari ring ipadala ang sulat gamit ang mga private courier na mayroong system para mapakitang natanggap ng pinadalhan ang sulat.
Maipapayo ring dumulog sa Lupong Tagapamayapa ng barangay na sakop ang property. Kung magkasundo ay ilagay ito sa kasulatan at ipanotaryo. Kung hindi naman, magpaissue ng Certificate to File Action
Maaari kayo magsampa ng civil case para sa forcible entry kung nawala sa inyo ang possession ng property through force, intimidation, threat, strategy, or stealth. Ang kasong ito ay kailangan isampa within 1 year mula sa araw na nawalan kayo ng possession ng property.
Kung ang pananatili ng nasabing nakatira ay mayroong pahintulot ninyo sa una ngunit sa kalaunan ay binawi ninyo, maaari kayo magsampa ng civil case para sa unlawful detainer. Ang kasong ito ay kailangan isampa within 1 year mula sa araw na nagpadala kayo ng pormal na demand na lumisan sila sa inyong property.
Sa alinman sa dalawang kasong nabanggit sa taas ay maaari rin hilingin sa korte na pagbayarin sila sa inyo ng danyos para sa kanilang ginawa.