Pwede pong ireklamo ang ginagawa na nabanggit bilang nuisance.
Ang ganitong sitwasyon ay maaaring pumasok sa definition ng public nuisance sa ilalim ng civil code dahil nakakaapekto sa inyong community. Ayon sa Article 694, ang nuisance ay isang akto, establishment, o iba pang bagay na:
(i) nakakapinsala o nagdadala ng panganib sa kalusugan o kaligtasan ng iba;
(ii) nakakairtia sa pandama o senses;
(iii) hindi disente o imoral;
(iv) nakaka-obstruct sa daanan; o
(v) nakaka-hadlang sa paggamit ng isang property.
Sa ganitong sitwasyon, maaaring:
(1) Magsampa ng kaso sa ilalim ng Revised Penal Code o local ordinance, kung mayroong applicable;
(2) Magsampa ng civil case upang ipaalis ang nuisance;
(3) Sumangguni sa inyong lokal na pamahalaan upang irequest na ipatanggal ang nuisance.
Para i-abate o ipatanggal ang nuisance, ayon sa Local Government Code ay maaari kayong sumangguni sa sanggunian ng inyong lokal na pamahalaan (lungsod o munisipyo).
Kung kayo lamang ang naiinis sa ginagawa ng kapitbahay, pwede naman itong ituring na private nuisance na pwedeng ma-abate din sa pamamagitan ng:
(1) Magsampa ng civil case para dito;
(2) Abatement, without judicial proceedings.
Pwede rin naman masaklaw ang mga ito ng krimen ng Unjust Vexation. Ayon sa Supreme Court, ang Unjust Vexation ay krimen na malawak ang saklaw kung saan napapaloob dito ang anumang gawain ng taong nagdadala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa kaisipan ng taong pinatutunguhan ng nasabing gawain. Mayroon din itong karampatang parusang kulong o/at multa.
Ang elements naman nito ay:
(1) Mayroong human conduct ang offender na unjustly annoys or irritates ang biktima;
(2) Ang human conduct na ito ay ginawa ng offender nang walang violence;
(3) Ang human conduct na ito ng offender ay nagdala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa biktima;
(4) Ang paggawa nito ng offender ay ginawa nang may criminal intent o sinadyang gawin para sa purpose na nabanggit;