Ayon sa Family Code, nakadepende sa means ng magbibigay ng suporta at sa pangangailangan o needs ng susuportahan ang amount ng support. Wala itong fixed amount at maaaring subject sa kasunduan or pwede ring iset ng korte kung magsampa ng kaso.
Ayon din sa parehong batas, support comprises everything indispensable for sustenance, dwelling, clothing, medical attendance, education and transportation, in keeping with the financial capacity of the family. Kasama naman sa education na nabanggit ang pag-aaral ng anak kahit lagpas na sa age of majority na 18 years old.
Maaaring ipaalala sa tatay na obligasyon niya ang pagsustento sa anak sa ilalim ng batas. Mainam na makipagkasundo kayo ukol sa amount ng regular na suporta at tuwing kailan ito ibibigay. Maaari kayong lumapit sa Lupong Tagapamayapa ng inyong barangay or barangay kung saan nakatira ang tatay upang mailagay sa kasulatan ang anumang napagkasunduan at ipanotarize ito.
Kung hindi naman maisasaayos ang bagay na ito sa tulong ng Lupon, magpa issue ng Certificate to File Action sa Lupon at maaari nang magsampa ng kaukulang kaso o petisyon sa korte upang hilingin na magbigay siya ng suporta. Sa ganitong sitwasyon po, icoconsider ng korte ang sweldo at hanapbuhay niya at ang pangangailangan ng anak upang macompute ang fair na amount ng support. Iseset din ng korte kung tuwing kailan ibibigay ang support.
Maaari naman pong pumasok sa “economic abuse” ayon na rin sa Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act ang ginagawa ng offender kung mayroong mga acts na ginagawa or sinusubukang gawin kung saan ang babaeng biktima ay magiging dependent financially sa offender. Kasama dito ang mga sumusunod:
(1) withdrawal ng financial support or pagpigil sa biktima na magtrabaho o maghanapbuhay, liban na lamang kung ang pagpigil ay based sa valid, seryoso at moral na dahilan;
(2) pagdeprive or pagbabanta ng pagdeprive ng financial resources at karapatan na gamitin ang conjugal, community or property owned in common ng mag-asawa o mag-partner;
(3) pagsira sa gamit sa bahay; o
(4) Pagcontrol ng pera o gamit ng biktima or pagsolo sa pagcontrol ng conjugal na pera o properties.
Mayroon naman itong karampatang parusang kulong and/or multa.