Maaaring magsampa ng criminal case na concubinage ang asawang babae laban sa asawa niyang lalaki kung ang mga sumusunod na elements ay present:
(i) ang lalaki ay kasal; at
(ii) ibinahay niya ang ibang babae sa tahanan ng mag-asawa, o nakipagtalik siya sa ibang babae sa skandalosong paraan, o kaya tumira siya kasama ng ibang babae sa ibang lugar.
Mayroon naman itong parusang kulong para sa lalaki at parusang destierro para sa babae kung alam ng babae na kasal pala ang lalaki. Ang destierro ay parusa na hindi papayagang pumasok sa lugar o mga lugar na nakasaad sa desisyon o sa bahay niya mismo sa loob ng 6 months and 1 day to 6 years.
Maaaring masaklaw rin ng psychological violence sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act ang ginawa ng offender kung ang partner or asawang babae ay nakaranas ng: (i) pagdurusa o pighating mental o emosyonal; at (ii) ito ay dahil sa mga acts na ginawa ng partner o asawa including but not limited to intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse and mental infidelity. It includes causing or allowing the victim to witness the physical, sexual or psychological abuse of a member of the family to which the victim belongs, or to witness pornography in any form or to witness abusive injury to pets or to unlawful or unwanted deprivation of the right to custody and/or visitation of common children. Nagkaroon na rin ng desisyon ang Korte Suprema na sinasabing kasama dito ang pangangaliwa ng partner o asawa ng babae.