Bago pa man ang legal na solusyon, maipapayo namin na kayo ay sumailalim sa counseling. Sa NCR, ang PGH ay may women’s desk; ang East Avenue Medical Center ay may women’s crisis center; ang Ateneo de Manila University ay may Ruben M. Tanseco, S.J. Center for Family Ministries (RMT-CEFAM).
Maaari rin ninyong icontact at pwede ring magparescue ng mga minor children ang Council for the Welfare of Children (CWC) ng DSWD sa mga sumusunod na contact details: Trunkline: (632)8 740-8864, (632)8 781-1039 Local: 1002 – 1003; Tel/Fax: (632)415-79-85; Email: cwc@cwc.gov.ph.
Maaari rin kayong sumangguni sa mga regional offices ng DSWD sa sumusunod na link: https://www.dswd.gov.ph/directory-of-officials-field-office/ .
Kung sa inyong palagay naman ay talagang kailangan ninyo ng proteksiyon mula sa kanya, maaari kayong mag-apply ng Barangay Protection Order (BPO) sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act. Ang sinasabing application ay dapat in writing, pirmado at verified ng applicant. Ayon sa VAWC Act, dapat ay mayroong form nito sa inyong barangay. Maaari pong kasama sa BPO ay ang pag-utos sa offender na hindi lumapit nang specific na distance sa biktima o sa kanyang bahay o anumang lugar na nakasaad sa order or sinumang member ng family.
Ang mga ginawa ng offender ay maaaring masaklaw ng physical violence as defined sa VAWC Act. Ito ay tumutukoy sa bodily or physical harm to the woman partner/wife or her child. Likewise considered as acts of violence are threatening and attempting to cause such harm to the woman partner/wife or her child.
Maaaring masaklaw rin ng psychological violence sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act ang ginawa ng offender kung ang partner or asawang babae ay nakaranas ng: (i) pagdurusa o pighating mental o emosyonal; at (ii) ito ay dahil sa mga acts na ginawa ng partner o asawa including but not limited to intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse and mental infidelity. It includes causing or allowing the victim to witness the physical, sexual or psychological abuse of a member of the family to which the victim belongs, or to witness pornography in any form or to witness abusive injury to pets or to unlawful or unwanted deprivation of the right to custody and/or visitation of common children. Nagkaroon na rin ng desisyon ang Korte Suprema na sinasabing kasama dito ang pangangaliwa ng partner o asawa ng babae.
Kung magsasampa naman ng kaso ay maaari ring mag-apply ng temporary protection order (TPO) at kalaunan ay permanent protection order (PPO). Kagaya ng BPO, maaaring kasama sa TPO at PPO ay ang pag-utos sa offender na hindi lumapit nang specific na distance sa biktima o sa kanyang bahay o anumang lugar na nakasaad sa order.
Ang mga kasong ito ay may karampatang parusang kulong and/or multa.
Maaari rin kayong sumangguni sa NBI Anti-violence Against Women and Children Division (VAWCD) sa mga sumusunod na contact details: Phone 8525-6028; E-mail: vawcd@nbi.gov.ph.
Pwede ring sumangguni sa PNP Women and Children Protection Center sa mga sumusunod na contact details:
Trunkline: +632 723 0401
Message Center Local Number: 6961
AVAWCD Local Number: 6962
Aleng Pulis Hotline: (+63) 919 777 7377
Page: https://facebook.com/pnpwcpc.alengpulis
Kailangan pong tandaan sa applicable ang VAWC maging sa same sex relationships kung saan sinasaktan ang babaeng partner.