Ayon sa Article 1547 ng Civil Code, mayroong “implied warranty” sa lahat ng ibinebentang produkto na wala itong naitatagong sira o depekto.
Ayon naman sa Article 68 (f) (2) ng Consumer Act, kung ang produktong ibinenta ay may ganitong uri ng depekto, ang bumili ay maaaring tumangging tanggapin ang produkto, kanselhin ang pagbili, at hingin ang karampatang halaga ng binili, bukod pa sa halaga ng pinsalang dulot ng depektibong produkto. Gayunpaman, in general, ang mga warranties sa ilalim ng batas ay applicable lamang sa mga brand-new na produkto at hindi sa second-hand gadgets, maliban na lang kung ang seller ay nagrepresent na ang laptop na iyong nabili ay walang defect at maayos na gumagana.
Upang mabigyan kayo ng mas detalyadong impormasyon regarding your situation, maaari kayong mag-file ng complaint laban sa seller sa Department of Trade and Industry. Makikita ang proseso at mga form para rito sa https://www.dti.gov.ph/konsyumer/complaints/.