Malinaw na pinahihintulutan at dapat pahintulutan ng mga kinauukulan ang pangangasiwa ng community pantries, sa panahon man ng Enhaced Community Quarantine (ECQ) o Modified Enhanced Community Quarantine (MEQ), at ngayon maging sa anumang Alert Levels ng Covid man nakapaloob ang lugar.
Kung magkaroon man ng problema mula sa pulis o sa LGU, mariin naming iminumungkahi na mag-konsulta agad sa isang abogado para ipaglaban na walang basehan ang anumang pag-aresto kung nasusunod naman ang mga minimum health standards na itinakda ng Department of Healh. Kung wala namang abogado, maaaring sumangguni sa Free Legal Assistance Group (FLAG) sa email na flag.metromanila@gmail.com o sa
Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS, Inc.) sa email na qrt.ideals@protonmail.com.
Para sa iba pang tips tungkol sa posibleng issue patungkol sa community pantries, maaaring sumangguni sa Chel Diokno Facebook page sa sumusunod na link: https://web.facebook.com/cheldiokno/photos/a.735536656616349/1821137111389626/.