Ayon sa SEC, ito ang karaniwang reklamo laban sa ilang lending companies na nasuspinde o inalisan ng lisensiyang mag-operate. Gumagamit sila ng tinatawag na Unfair Debt Collection Practices tulad ng pagbabanta na tatawag o magpapadala ng mensahe sa mga contacts sa social media at mobile phone kapag hindi nakapagbayad sa oras ang nangutang. Kung minsan, inilalarawan ng mga mensaheng ito ang nangutang bilang “scammer”, o ipapahiya ang nangutang at ibubulgar ang detalye ukol sa hindi nabayarang utang. Kung minsan, makatatanggap ang nangutang ng text messages galing sa mga hindi kilalang numero, kung saan sila ay minumura at tinatawag ng kung anu-anong pangalan at pinagbabantaang ire-report sa Credit Information Corporation, ang public credit registry at lalagay ng mga impormasyon ukol sa utang, para mapilit ang nangutang na magbayad.
Ang mga gawaing ito ay ilegal ay papasok sa ilalim ng Unfair Debt Collection Practices kung saan maaaring maparusahan ang lending company ng multa mula P25K hanggang P1 million at suspensiyon o rebokasyon ng lisensiya para mag-operate, o pareho.
Para i-report ang tinatawag na Unfair Debt Collection Practices, maaaring magsumite ng reklamo ang nangutang sa SEC sa cgfd_md@sec.gov.ph. Ang mga detalye kung paano maghain ng reklamo ay makikita rito: https://www.sec.gov.ph/lending-companies-and-financing-companies-2/complaints/.
Nag-isyu ang National Privacy Commission ng NPC Circular 20-01, na nagbawal sa OLAs na mangalap at gamitin ang mga personal na impormasyon at mga sensitibong personal na impormasyon ng mga nangutang sa kanila at paggamit nito para sila’y ipahiya o piliting magbayad sa oras. Maaaring maghain ng reklamo ang nangutang sa pamamagitan ng 8234-2228 (loc 114) o sa email sa complaints@privacy.gov.ph.
Ang mga pagkilos na ito ay katumbas ng krimen na Libel o Oral Defamation, paglabag sa Data Privacy Law, Grave Coercion, Grave Threats, o Unjust Vexation. Maaaring magsampa ng reklamo ang nangutang sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa kanilang Complaint Action Center/Hotline: Smart: +63 961 829 8083 at Globe: +63 9155898506. Ang regional offices ng PNP-ACG ay makikita sa link na ito: https://acg.pnp.gov.ph/main/contacts. Maaari rin nilang i-report ito sa NBI Operation Center sa 0961-734-9450, NBI Anti-Fraud o Cybercrime Divisions sa 85238231-38, o sa kanilang mga social media accounts.
Puwedeng sabay-sabay ang mga pagkilos na legal na nabanggit dahil may kinalaman sila sa iba’t ibang ilegal na gawain ng ilang OLAs.