Kung umutang, obligasyon talagang bayaran ito. Pero ang paraan ng paniningil, dapat hindi rin abusado. Kung ilegal ang ginagawa ng OLA, read below para alamin kung saa pwedeng mag-reklamo…
Maling paggamit ng personal information
Kung kinuha ang inyong contacts, at tinatawagan o tinetext sila tungkol sa detalye ng utang mo — krimen ‘yan sa Data Privacy Act!
Pwede yang i-reklamo sa National Privacy Commission:
National Privacy Commission
Email: complaints@privacy.gov.ph
Phone: (+632) 8234 2228
Website: https://www.privacy.gov.ph/
Paninira at pagbabanta
Kung nagkakalat ng paninira sa reputasyon mo online- krimen ng Cyber Libel yan!
Kung nagbabantang sasaktan ka o ang pamilya mo dahil hindi makabayad — krimen ng Grave Threats ‘yan!
Para d’yan naman, pwedeng mag-reklamo sa Cybercrime unit ng PNP o NBI:
PNP-Anti Cybercrime Group
Email: acg@pnp.gov.ph
Phone: (+63) 998-598-8116; (+632) 8414-1560
Website: http://acg.pnp.gov.ph.main/
E-Complaint: https://acg.pnp.gov.ph/eComplaint/
Facebook: https:/www.facebook.com/anticybercrimegroup
NBI-Cybercrime Division
Email: ccd@nbi.gov.ph
Website: https://www.nbi.gov.ph
Unfair debt collection practices
Bukod sa posibleng kasong kriminal pakana, pwede ring i-reklamo ang ganyang gawain sa Securities and Exchange Commission (SEC), na namamahala naman sa lisensya ng mga OLA.
Ang ganyang gawain ay Itinuturing na Unfair Debt Collection Practices, at kung paulit-ulit ginawa- pwedeng tanggalan ng lisensyang mag-operate ang mga OLA.
Para rito naman, pwedeng dumulog sa SEC sa:
Securities and Exchange Commission
Email: cgfd_md@sec.gov.ph
Phone: (+632) 8818-6047
Website: https://www.sec.gov.ph/