Ayon sa National Telecommunications Commission o “NTC”, ang agency na may mandatong siguraduhin ang fairness, quality, at reliability ng internet services , may standards na dapat sinusunod ang internet service providers.
Una, dapat specified ang minimum connection speed and service reliability sa advertisements, flyers, brochures and service agreements ng internet service provider.
Sa subscription contract, dapat malinaw na nakasulat ang:
- Minimum speed;
- Service reliability; and
- Details on usage limits/conditions and additional charges.
Pinaka-importante, kung ano ang napagkasunduang service- dapat ibigay.
Para i-measure kung nabibigay ba ng internet provider ang tamang service, ginagamit ang “service reliability” rate.
Ayon asa NTC Memorandum Order No. 07-07-2011, on “Minimum Speed of Broadband Connections,” ang allowable Minimum Service Reliability- 80%.
Ibig sabihin, dapat meron ang minimum internet connection at least 80% of the time.
kino-compute ito per (1) month, at ganito i-calculate:
(Hours in a day x Days in a month) – (Time internet connection speed is below minimum) divided by (Hours in a day x Days in a month)
Kung hindi nabibigay ang tamang service- halimbawa, mas maraming beses pang napakabagal o down ang internet kaysa meron-
Pwedeng gumawa ng written complaint sa provider, na nagsasaad ng reklamong hindi nila sinusunod ang standards set by NTC.
Kung hindi pa rin ayusin ang serbisyo- pwedeng mag-file ng complaint mismo sa NTC, na siya namang haharap sa administrative case laban sa provider.
Ang complaint ay pwedeng dalhin sa Consumer Welfare & Protection Division ng NTC:
Consumer Welfare and Protection Division
consumer@ntc.gov.ph
Tel No:+63.2.8920.4464
Tel No:+63.2.8926.7722
Tel No:+63.2.8921.325
Pwede ring mag-send ng report sa link na ito: https://ntc.gov.ph/complaint-page-2/.