Nawala o nanakaw ba ang iyong credit card? Bago ang lahat, gawin ito agad!
I-report ito sa inyong bangko as lost or stolen.
Ito ay para iwasan na singilin kayo, para sa transactions na ginawa gamit ang nnawala o nanakaw na credit card.
Sa Philippine Credit Card Industry Regulation Law o R.A. 10870 , protektado ka sa liability from unauthorized or fraudulent transactions, pagkatapos mong i-report sa issuer na nawala ito.
Ibig sabihin- basta nai-report na sa bangko- kahit ano pang bilhin ng nagnakaw, hindi mo kailangang bayaran.
Pero ang transactions before ang report-
Maaaring i-charge sa inyo, at yan rin ang likely na laman ng terms and conditions ng kontratang sinang-ayunan ninyo sa bangko , noong in-issue sa inyo ang credit card.
Kaya importante-
Dapat alam ninyo ang customer care contact details ng inyong bangko- number at email address – para agad-agad ninyong maireport ang loss or theft.