Ayon sa Magna Carta of Women (R.A. 9710 ):
“Refers to any gender-based distinction, exclusion, or restriction which has the effect or purpose of impairing or nullifying the recognition, enjoyment, or exercise by women, irrespective of their marital status, on a basis of equality of men and women, of human rights and fundamental freedoms in the political, economic, social, cultural, civil, or any other field..
Magna Carta of Women
Malinaw sa batas: “Discrimination Against Women is Prohibited.”
Ibig sabihin, hindi pwedeng bawasan o ipawalang-bisa ang karapatan ng mga babae, dahil lang sa pagiging babae.
Ngayon, sa lahat ba ng konteksto ay dapat eksakto ang trato sa babae at lalake? Hindi rin naman.
Pero, kung magkaiba ang trato sa babae at lalake, dapat may reasonablé at makatwirang basehan.
Sa isang recent case na dumating sa Supreme Court- ang policy ng airline company ay 60 years old ang compulsory retirement para sa lalakeng cabin crew, pero para sa babae- 55 years old lang, kailangan nang mag-retire.
Ayon sa korte, malinaw na example ito ng discrimination against women, at ipinagbabawal ito ng batas.
Walang makabuluhang rason para sa magkaibang pagtrato sa lalake at babaeng cabin crew-
Ang babaeng cabin crew ay may lakas ring buksan ang emergency doors ng eroplano at mag-assist sa pasahero, at may katatagang magtrabaho ng mahabang panahon.
Dahil d’yan, ipinawalang-bisa ng Supreme Court ang discriminatory policy na ito.