Sa Anti-Distracted Driving Act (R.A. 10913), puwedeng gumamit ng Waze pero dapat- hands-free ang paggamit!
Ibig sabihin, dapat hindi hawak ang cellphone, at may gamit na speaker, earphones, microphones o similar devices.
At ang placement ng cellphone- dapat hindi nakakasagabal sa line of sight ng nagmamaneho , at ang highest point ng device ay not more than 4 inches from the motor vehicle’s dashboard.
Ang bawal sa batas, paggamit ng cellphone, tablet, o laptop para mag-
- a) Text;
- b) Tawag;
- c) Laro ng games;
- d) Nood ng vidoes;
- e) Surf ng internet;
- f) Basa ng articles, e-books; at
- g) Iba pang katulad na gawain
Habang nagmamaneho- kahit habang traffic o nakatigil sa stoplight.
Sakop ang lahat ng motor vehicles- kotse, bus, motor, pati tricycle , at kung nahuling may hawak na cellphone habang nagmamaneho- presumed na distracted driving ito.
Ang parusa sa batas, multa at suspension o revocation ng driver’s license:
- a) P5,000.00 sa 1st offense;
- b) P10,000.00 sa 2nd offense;
- c) P15,000.00 at 3-month suspension ng driver’s license sa 3rd offense; at
- d) P20,000.00 at revocation ng driver’s license sa succeeding offense
Bukod pa sa ibang violations na pwedeng nagawa habang distracted driving.
Kung gagamit ng navigation apps, i-set na ang destination bago lumarga, i-on ang speaker, at ikabit ang cellphone malapit sa dashboard.