Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) and Department of Labor and Employment (DOLE) Joint Memorandum Circular No. 20-04-A Series of 2020 (Guidelines on Workplace Prevention and Control of Covid-19), maaaring makakuha ng benefits mula sa Employees’ Compensation Commission (ECC), PhilHealth, at SSS.
Ayon sa ECC Board Resolution No. 21-04-14 on April 6, 2021, maaaring mag-file ng employee’s compensation claim na P30,000.00 ang mga nagka-Covid kaugnay ng kanilang trabaho (mild man o severe), kung ito ay clinically diagnosed at supported by diagnostic proof, tulad ng RT-PCR test. Bukod dito, kailangang mayroon ang alinman sa mga sumusunod na circumstances:
(1) There must be a direct connection between the offending agent or event and the worker based on epidemiologic criteria and occupational risk (i.e., healthcare workers, screening and contact tracing teams, etc.).
(2) The tasks assigned to the worker would require frequent face-to-face and close proximity interactions with the public or with confirmed cases for healthcare workers.
(3) Transmission occurred in the workplace.
(4) Transmission occurred while commuting to and from work.
Para magabayan sa prosesong ito, maaaring sumangguni sa ECC sa Telephone: (02) 8896-7837 o mag-email sa info@ecc.gov.ph.
Para sa hospitalization benefits naman, maaaring sumangguni sa PhilHealth sa Call Center Hotline 8441-7442, mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph, o tawagan ang lokal na PhilHealth office sa inyong lokasyon sa mga numerong makikita sa https://www.philhealth.gov.ph/about_us/map/regional.htm. Pwede rin kayong sumangguni sa sumusunod na webpage ng Philhealth: https://www.philhealth.gov.ph/covid/.
Para sa social security benefits, maaaring sumangguni sa SSS sa mga numero ng branches nitong makikita sa https://www.sss.gov.ph/sss/showBranchDirectory.action.