Siguro narinig na natin ang SOGIESC Bill – pero ano nga ba ito?
Ang SOGIESC Bill ay panukalang batas na naglalayong wakasan ang diskriminasyon base sa biological sex, sexual orientation, at gender identity o expression.
Pinoprotektahan nito ang kalayaang ipahiwatig ang identidad at mahalin ang gusto–
Nang walang takot na mawawalan ng patas na oportunidad na makilahok sating lipunan.
Hindi nito layuning panghimasukan ang paniniwala o baguhin ang inyong isip.
Ang gusto lang ng batas:
Makatarungang pag-trato sa mga kapwa-taong maaaring naiiba sa atin, pero may karapatan ring mag-aral, mag-hanapbuhay, at makakuha ng seribsyo-publiko.
Sa SOGIESC Bill-
Ang lahat ng kabataan- ano man ang katangian- may pantay na pagkakataon sa edukasyon at training.
Ang mga lesbian, gay, bisexual, transgender, atbp.- kung qualified naman at may kakayanan sa trabaho- hindi pwedeng i-terminate dahil lang naiiba sila.
Ang may sakit- kakaiba man sa nakasanayang itsura o pananamit- mabibigyan ng angkop na serbisyong medikal.
At ang public services, establishments, at facilities- walang kikilingan- basta ang humihingi ay pareho rin namang nangangailangan.
Sa madaling-salita:
Hindi katwiran ang kakaibang sex, sexual orientation, at gender identity o expression para ang karapatan ng iba ay itaboy (mapa-girl, boy, bakla, tomboy).
Ang pinaglalabang “Pride”- hindi pagmamataas- kundi simpleng pagkilala ng dangal bilang kapwa-tao.
Hindi natin kailangang maintindihan o sumang-ayon, para i-respeto ang karapatan nilang mabuhay gaya natin.