Nakasaad sa Family Code ang mga dahilan para maalis ang parental authority sa magulang:
- Pag-abandona sa bata;
- Pagkawala o kawalan ng kakayahan ng taong may parental authority;
- Kung ang bata ay nakaranas o pinayagang makaranas ng pag-abusong seksuwal.
Ang parental authority ay maaaring pansamantalang suspindihin ng hukuman kung ang mga magulang ay:
- Tinatrato ang bata na may labis na kalupitan;
- Binibigyan ang bata ng masasamang utos, payo o halimbawa;
- Pinipilit ang bata na mamalimos; o
- Pinaparanas sa bata o pinapahintulutan itong sumailalim sa anumang kahalayan.
Kabilang sa mga nasabing dahilan ang kaso na nagresulta sa kapabayaan ng magulang.
Kinikilala ng batas ang mga sumusunod na mabigat na dahilan para alisin ang parental authority:
“Instances of unsuitability are neglect, abandonment, unemployment and immorality, habitual drunkenness, drug addiction, maltreatment of the child, insanity, and affliction with a communicable illness.”