Maraming kaso ang pwedeng i-file tuwing may maling ginagawa ang public officials at employees.
Ayon sa kamaliang ginawa- pwedeng magsampa ng angkop na criminal, civil, at administrative na kaso laban sa kanila.
Ito ang tinatawag na “three-fold liability rule.” Ang iisang akto- pwedeng kasuhan at panagutin sa tatlong aspeto.
Una- criminal- kung sa akto ay may krimeng ginawa- pwedeng kasuhan ng kasong kriminal at ang mga penalties dito- multa o pagkakakulong.
Ang intensyon ng batas kriminal- i-address ang violation na ginawa sa lipunan.
Pangalawa- civil- kung sa ginawa ay nakadulot ng pinsala sa ibang tao- pwedeng kasuhan at singilin para sa pagbayarin ng angkop na danyos ang opisyal.
Ang intensyon naman ng batas sibil- i-address ang private wrong na ginawa sa taong naapektuhan.
Pangatlo naman- administrative- kung ang akto ay labag sa code of conduct ng public officials and employees- pwedeng kasuhan para disiplinahin ito. Ang kahahantungan naman ng administrative- penalties tulad ng suspension, dismissal sa trabaho, o forfeiture ng benefits.
Ang intensyon ng batas administratibo- protektahan ang public service at sigurudahin na deserving ang mga nagsisilbi.
Kahit isang mali akto lang ang ginawa- separate ang turing sa mga pananagutang ito at pwedeng i-sampa ang kasong criminal, civil, at administrative ng hiwa-hiwalay at sabay-sabay!
Malaki talaga ang responsibilidad ng mga nagsisilbi sa gobyerno- at kung may maling ginawa- pwede silang habulin para sa lahat ng yan.