Ang bagong inilabas na Immigration Inspection Guidelines- napaka-strikto!
Buti na lang, pansamantalang sinuspend ang implentasyon nito.
At tama lang, dahil protektado ng 1987 Constitution ang ating right to travel.
Ayon sa Section 6 ng Bill of Rights:
“The liberty of abode and of changing the same within the limits prescribed by law shall not be impaired except upon lawful order of the court. Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law.”
Section 6, Bill of Rights
Ibig sabihin, may karapatan ang bawat Pilipinong gumalaw nang malaya sa loob at palabas ng bansa.
At napakahalaga nito, dahil kung nilimita ang right to travel- apektado rin ang iba nating karapatan.
Paliwanag ng Supreme Court sa isang kaso:
“It is a right embraced within the general concept of liberty — a birthright of every person…
The right to travel is essential as it enables individuals to access and exercise their other rights, such as the rights to education, free expression, assembly, association, and religion.”
Pwede lang itong limitahan ng gobyerno:
- para sa national security, public safety, or public health; at
- (2) kung may batas na nagpapahintulot dito.
At sa anumang aksyong nag-lilimita sa fundamental right to travel, dapat mapatunayan na ito ay:
- necessary to achieve a compelling State interest; and
- the least restrictive means to protect such interest or the means chosen is narrowly tailored to accomplish the interest.”
Tingin ko- ang ganyang guidelines ay hindi papasa sa test na ito, at masasabing unconstitutional-
Ayon mismo sa Bureau of Immigration, napakaliit lang ng pursyento ng nahahassle sa pagharang at offload, ay totoong kaso ng human trafficking at illegal recruitment .
At ang pag-impose ng nakapabigat na documentary requirements sa lahat ng Pilipinong palabas ng bansa- hindi masabing least restrictive o necessary.
May mga mas epektibong paraan para puksain ang trafficking- na hindi linalabag ang constitutional right to travel ng mga Pilipino.
Sana aralin itong mabuti ng administrasyon- para ang polisiya ay targeted- hindi shotgun at mga karaniwang Pilipino ang nakakawawa.