May malaking diperensya ang guarantor ng utang sa co-maker o co-borrower.
Ang guarantor- pwede lang obligahing magbayad sa utang pagkatgapos habulin at singilin ang mismong nangutang, at talagang wala nang pera o property ang umutang na pwedeng sumagot para rito.
Ang pananagutan ng guarantor ay subsidiary lamang.
Hindi niya utang ‘yun- sinisiguro niya lang na makakabayad ang mismong umutang.
Iba naman ang co-maker o co-borrower- na karaniwang salitang ginagamit para sa surety.
Ang kaibahan dito- ang pananagutan ng co-maker o co-borrower ay joint o solidary, at parang utang na rin nila ito.
Ibig sabihin- pwede silang singilin kahit hindi pa hinahabol ang mismong nangutang, at kahit pa may pambayad naman ito.
Mas matindi ang obligasyon ng co-maker o co-borrower kaysa sa guarantor.
Pero sa parehong sitwasyon- ang ibig sabihin ay sumasang-ayon na tila bam aging insurance para sa kaibigan niyong umuutang- at pwedeng sa kalaunan ay obligahing bayaran ang utang niya.
Kaya bago pumayag- intindihin ang pinapasok na kasunduan.