Sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers , ipinagbabawal ang biglaang disconnection ng ng electric service, nang walang due process- o pagsunod sa angkop na proseso.
Pwedeng maputulan ng kuryente dahil sa-
- a) ‘di pagbayad ng bill;
- b) ilegal na koneksyon;
- c) pagtanggi sa inspection ng metro;
- d) utos ng gobyerno; o
- e) para sa kaligtasan ng publiko.
PERO- hindi pwedeng biglaan!
Kinakailangan ng prior written notice o kasulatang nag-aabiso sa customer bago ang disconnection.
Ang written notice- dapat ibigay sa customer 48 hours o dalawang araw bago ang mismong disconnection.
Naipaliwanag na ng Supreme Court- bilang public utility, napaka-importante ng tungkulin ng providers ng kuryente:
“Electricity has become a necessity to most people… Thus, the state may regulate [the conditions] and the manner by which a public utility… may effect a disconnection of service to a delinquent customer. Among others, a prior written notice to the customer is required before disconnection of the service.”
Sa isang recent case- ipinaliwanag rin na kahit ang sinasabing basehan ng disconnection ay illegal na pagkabit o paggamit sa kuryente- dapat may 48 hours na prior written notice pa rin.
Kung hindi ito sundin- pwedeng kasuhan ang electricity service provider para sa damages o danyos sa pinsalang nadulot ng biglang disconnection.
Pwede rin itong i-dulog sa Energy Regulatory Commission (Consumer Welfare Desk/ Branch/Office sa inyong lugar, sa directory na makikita dito:
https://www.erc.gov.ph/UtilityOfficers/1