Maaari bang habulin ang kumpanya ng truck driver na nakabangga sa isang tao?
Meron, at posibleng habulin ang employer ng driver sa ilalim ng prinsipyo ng “vicarious liability.”
Ayon sa Article 2176 ng Civil Code, ang general rule ay:
“Whoever by act or omission causes damage to another, there being fault or negligence, is obliged to pay for the damage done.”
Article 2176 ng Civil Code
Ibig sabihin, sinumang makadulot ng pinsala sa iba dahil sa kanyang kapabayaan o kawalan ng angkop na pag-iingat- ay obligadong bayaran ang pinsalang ginawa.
Sa sitwasyong nabanggit, kung may fault o negligence ang truck driver- responsable siya sa pinsalang naidulot.
Subalit hindi lang ang may sala ang pwedeng habulin para sa danyos, ayon sa prinsipyo ng vicarious liability sa ilalim ng Article 2180. Ayon dito:
“The obligation imposed by article 2176 is demandable not only for one’s own acts or omissions, but also for those of persons for whom one is responsible.
xxx
Employers shall be liable for the damages caused by their employees and household helpers acting within the scope of their assigned tasks, even though the former are not engaged in any business or industry.
xxx
The responsibility treated of in this article shall cease when the persons herein mentioned prove that they observed all the diligence of a good father of a family to prevent damage.”
Article 2180 ng Civil Code
Ibig sabihin, responsable ang employer sa gawain ng empleyado nito- at obligasyon niyang maging maingat sa pagpili ng tauhan at pangasiwaan ng maayos ang trabahong ginagawa nila.
Dapat siguraduhin ng kumpanya na ligtas ang pagpapatakbo ng kanyang business, kasama na ang trabahong ginagawa ng mga empleyado nito.
Kung makadulot ng pinsala ang empleyado habang ginagawa ang trabaho, at maipakitang may pagkukulang ang kumpanya sa selection at supervision sa empleyadong ito, may pananagutan para sa danyos ang kumpanya, o “solidary liability” kasama ang empleyado.
Halimbawa- kung kulang ang ginawang screening sa kwalipikasyon, experience, at service record ng truck driver- pero kinuha pa rin ng kumpanya;
O kaya naman ay walang standards ang kumpanya sa pagmamaneho ng truck drivers at hinahayaan lang silang kumalap ng traffic violations at walang parusa-
Sa batas ay may kontribusyon siya sa pinasalang nadulot- at nararapat lang na may pananagutan dito.
Maiiwasan lang ng kumpanya ang vicarious liability sa Article 2180 kung ang pinsalang ginawa ng empleyado ay naganap sa labas ng tungkulin o trabaho nito, o kung mapapatunayang ginawa ng kumpanya ang lahat ng pag-iingat sa selection at supervision ng empleyado para maiwasan ang pinsala.