Sa ilalim ng Republic Act No. 11332, o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act,” isa sa mga ipinagbabawal ng nasabing batas ay ang intentional na pagprovide ng misinformation regarding an infectious disease kasama na ang Covid-19. Ang sinumang mapapatunayan na lumabag nito ay maaaring humarap sa penalty ng multa o pagkakakulong, or both.
Bukod dito, maaari ring masampahan ng civil case ang taong itinago ang kanyang pagkakaroon ng Covid-19 o di kaya ay exposure niya sa isang taong may Covid-19 kung ang pagtatagong ito ay nagdulot ng damage o pinsala sa ibang tao, ayon na rin sa Article 2176 ng Civil Code. Maaari siyang maging liable para magbayad ng danyos o damages.
Mainam din na icheck ang inyong local government kung sila ay nagpasa ng ordinansang nagpaparusa sa hindi pagdisclose ng pagkakaroon ng sakit or exposure sa taong may Covid-19.