Ang unang batas sa hazing ay R.A. 8049 o ang (“Anti-Hazing Law”), na ipinasa noong June 7, 1995.
Pinaparusahan nito ang pag-inflict ng physical injury o death sa initiation rites.
Pero sa higit dalawang dekada mula naipasa ang batas- iisang kaso lang ang na-convict.
Noong 2018, in-amend ito ng R.A. 11053 (“Anti-Hazing Act”), na nagpalawak sa pinaparusahan.
Ayon sa batas:
“Hazing refers to any act that results in physical or psychological suffering, harm, or injury inflicted on a recruit, neophyte, applicant, or member as part of an initiation rite or practice made as a prerequisite for admission or a requirement for continuing membership in a fraternity, sorority, or organization”
R.A. 11053
Sa amended law, may parusa ‘di lang sa mismong nag-inflict ng injury, kundi pati sa nag-plano, nag-cooperate para papuntahin ang biktima, at sa lahat ng present habang ginagawa ang hazing.
May parusa rin sa may-ari ng lugar kung san ito ginawa (kung alam niya ang plano), at sa sinumang tutulong na itago ang krimen o i-obstruct ang imbestigasyon nito.
Ang parusa — umaabot sa 40 years imprisonment.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang hazing, at marami pa akong nakikitang dinedepensahan ito.
Sa ganang akin — hindi kapatíran ang pinapakita nito. Sa halip-
abuso ng kapangyarihan,
walang saysay na pagmamalupit,
kultura ng karahasan at takot,
blind loyalty, at
pagiging duwag sa pagharap sa pinsalang ginagawa.
Hindi ito ang paraan para mahanap ang lugar niyo sa lipunan, at hindi ‘yan ang tipo ng lipunan na gusto kong ipaglaban.