Sakop ng illegal recruitment
Ang Illegal Recruitment ay may mahigpit na parusa sa batas.
Sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act , sakop ng Illegal Recruitment ang anumang akto ng:
“canvassing, enlisting, contracting, transporting, utilizing, hiring, or procuring workers and includes referring, contract services, promising or advertising for employment abroad, whether for profit or not, when undertaken by a non-licensee or non-holder of authority.”
Sa batas, ipinagbabawal ang ganyang recruitment activities kung hindi rehistrado at walang lisensya mula sa Philippine Overseas Employment Administration (o POEA ), na ngayon ay “Department of Migrant Workers” o “DMW” na.
Parusa sa illegal recruitment
Para rito, pwedeng magsampa ng kasong kriminal at ang parusa:
Pagkakakulong mula twelve (12) years and one (1) day hanggang twenty (20) years, at multa mula One Million Pesos (P1,000,000.00) hanggang Two Million Pesos (P2,000,000.00).
Kung ang Illegal Recuitment ay ginawa laban sa tatlo (3) o mas marami pang tao, tulad ng sa inyong sitwasyon, itinuturing itong mas Malala pang offense involving Economic Sabotage, at may mas mataas pang parusa:
Life imprisonment at multa mula Two million pesos (P2,000,000.00) hanggang Five million pesos (P5,000,000.00).
Bukod d’yan, maaring applicable rin ang kaso ng Estafa sa ilalim ng Article 315(2)(a) ng Revised Penal Code basta:
- a) may panlilinlang na ginawa ang may sala;
- b) ang panlilinlang na ito ay ginawa bago o sabay ng pagkuha ng pera;
- c) ang biktima ay umasa sa panlilinlang para piliing ibigay ang pera sa may sala; at
- d) dahil dito, may pinsalang nadulot sa biktima.
May karampatan rin itong parusa, depende sa halaga ng perang nakuha.
Pwede itong i-report sa Department of Migrant Workers (“DMW,” dating POEA), gamit ang detailye sa kanilang website, https://www.dmw.gov.ph/contact-us at https://www.dmw.gov.ph/archives/AssistWELL/categ/legal.htm.
Pwede rin itong i-report sa lokal na police sa inyong lugar para magabayan kayo.
Para naman ma-check kung lisensyado ang mga nagre-recruit ng OFW, pwedeng tignan ang staus ng agencies sa sumusunod na link: https://www.dmw.gov.ph/licensed-recruitment-agencies.