Nakaranas na rin ba kayo ng taxi na:
- Nangongontrata;
- Nag-oovercharge lampas sa metro; o
- Namimili at nag-rereject ng pasahero?
Violation ‘yan ng kanilang prangkisa!
At Pwede niyo yang i-report sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Depende sa paglabag, ang violators ay pwedeng pagmultahin mula P5,000 hanggang P15,000, at pwede pang ipa-kansela ang franchise kung paulit-ulit!
Kaya kung may maka-engkwentro kayong ganyang taxi:
- I-note ang taxi body number or plate number at
- I-report ito sa LTFRB Hotline 1342, Public Assistance & Complaint Desk at (02) 8925-7366, or email to complaints@ltfrb.gov.ph.
Pribilehiyo ang pag-ooperate ng taxi at tungkilin nilang magbigay serbisyo sa publiko, ayon sa mga tuntunin ng batas.
Kung may abuso o paglabag dito- may karampatang aksyon.