Noong March 4, 2022- ipinasa ang R.A. 11648 , ang batas “Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse, [and] Increasing the Age for Statutory Rape.”
Inamiyendahan nito ang Revised Penal Code, at pinaparusahan nito ang krimen ng Qualified Seduction.
Ayon sa batas:
“Article 337. Qualified seduction. — The seduction of a minor, sixteen and over but under eighteen years of age, committed by any person in public authority, priest, home-servant, domestic, guardian, teacher, or any person who, in any capacity, shall be entrusted with the education or custody of the minor seduced, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods.
xxx
Under the provisions of this Chapter, seduction is committed when the offender has carnal knowledge of any of the persons and under the circumstances described herein.”
Article 337 of Revised Penal Code
Sa kaso, kailangan lang patunayan ang sumusunod:’
- a) Ang biktima ay menor-de-edad na 16-17 years old;
- b) Ang salarin ay nakipagtalik sa biktima; at
- c) Ang salarin ay (i) person in public authority, (ii) priest, (iii) home-servant, (iv) domestic, guardian, (v) teacher, o (vi) sinumang pinagkatiwalaan sa custody o education ng biktima.
Sa krimen ng qualified seduction, “abuse of confidence is inherent in the offense.”
Ibig sabihin, pinaparusahan ng batas ang pagsasamantala ng salarin sa posisyon nito.
Hindi kailangang may panlolokong ginawa- dahil malinaw sa mata ng batas ang abusong nangyari.
At ang parusang pagkakakulong- maaaring umabot higist apat na taon.
Ang mga taong may awtoridad, at may tungkuling pangalagaan at turuan ang kabataan-
Dapat kinikilala ang mabigat na responsibilidad na ito- hindi inaabuso.
Walang duda- mali ang gawaing ito.