Ang intensyon ng SIM Registration Act- madaling matunton ang may-ari kung kung kanino rehistrado ang SIM Card, kung kinakaialangan.
Kung magbuy-and-sell ng SIM Cards na rehistrado na, tapos hindi binago ang registration- nakapangalan pa rin sa inyo-
May parusa d’yan ang batas!
Ayon sa Section 11(g) ng SIM Registration Act :
“For sale or transfer of a registered SIM without complying with the required registration. — The penalty of imprisonment ranging from six (6) months to six (6) years, or a fine of One hundred thousand pesos (P100,000.00) to Three hundred thousand pesos (P300,000.00), or both, shall be imposed upon anyone who sells or transfers a registered SIM without complying with the required registration under this Act.”
Section 11(g), SIM Registration Act
Ibig sabihin, sa gawaing ito ay pwedeng makulong hanggang 6 years, o pagmultahin hanggang P300,000.00, o pareho.
Ayon sa Department of Information and Communications o DICT- may mga sindikatong bumibili ng napakaraming rehistradong SIM Card para gamitin sa masama.
Kung rehistrado na kasi, mahihirapan ang awtoridad na matunton ang totoong may pakana sa kalokohang ginawa gamit ang SIM Card.
Ang mahirap pa d’yan-
Dahil pangalan niyo ang naka-rehistro, kung gamitin ‘yan sa scam ay masasabit rin kayo at sa kaso!
Ayon sa DICT: “kapag naghabla tayo dahil ginamit ang mga SIM cards sa panloloko, kasama sila sa habla ng criminal case.”
May posibleng parusa na nga sa pagbenta ng SIM Card, may parusa pa sa krimeng gagawin gamit ito!
Kaya mag-ingat sa mga ganitong modus operandi, at pangalagaan ang inyong SIM Cards.
Sana nakapagbigay liwanag ito, and follow for more!