Ang paninira ng ari-arian ng iba ay itinutuirng na krimen ng malicious mischief sa ilalim ng Article 327 ng Revised Penal Code.
Sa kasong kriminal para sa malicious mischief, kailangan patunayan ang sumusunod:
- Una- ang may sala ay sadyang sinira ang propertyng pagmamay-ari ng iba;
- Pangalawa- ang pinsalang dinulot ay hindi o arson o panununog, o iba pang krimen ng destruction; at
- Pangatlo- ang akto ng paninira ay ginawa para lang makadulot ng pinsala at walang justificable na rason (halimbawa gusto lang talagang maglabas ng galit o pagkasuklam) .
Ang parusa sa krimen ng malicious mischief ay naka-depende sa halaga ng property na sinira.
Kung hanggang P40,000 ang katumbas na halaga ng pinsalang ginawa, ang parusa ay pagkakakulong hanggang isang buwan o multa katumbas ng damage.
Kung lampas P40,000 hanggang P200,000 naman ang pinsala, pagkakakulong hanggang apat (4) na buwan.
Kung talagang malaki ang damage- at lampas P200,000- ang parusa ay pagkakakulong hanggang anim (6) na buwan.
Syempre, kailangan ring bayaran ang danyos para sa pinasalang ginawa.