Sa DepEd Child Protection Policy (DepEd Order No. 040-12), bawal ang anumang violence against children in schools, kasama ang physical o psychological biolence.
Kasama sa physical violence ang pag-inflict ng bodily or physical harm, at kasama naman sa psychological violence ang pagdulot ng mental o emotional suffering, tulad ng pananakot at pamamahiya.
Specifically, ipinagbabawal rin nito ang corporal punishment- na pisikal na pananakit o pamamahiya o pag-degrade sa estudyante, bilang paraan ng parusa sa maling ginawa, o pag-kontrol at pag-di-disiplina nito.
Kasama sa corporal punishment ang sumusunod:
- Beating, kicking, hitting, slapping, or lashing
- Forcing a child to perform painful acts such as, holding a weight for an extended period and kneeling on stones, salt, or pebbles;
- Deprivation of a child’s physical needs;
- Confinement or depriving the liberty of a child; and
- Verbal abuse or assaults, including intimidation or threats of bodily harm, swearing or cursing, ridiculing or denigrating the child
Ang physical o psycholigcal violence at corporal punishment- itinuturing na administrative offense of misconduct.
Kung malala ang ginawa- grave misconduct ito at ang parusa ay dismissal o pagtanggal sa trabaho.
Ang teacher na may pakana — pwedeng i-reklamo sa School Head o Schools Division Superintendent ng DepEd.
Ang directory ng DepEd Regional and Division Offices ay makikita sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/
Bukod d’yan,bawal rin sa Code of Ethics ng Teachers ang corporal punishment , at pwedeng itong i-reklamo sa Professional Regulation Commission o PRC.
Ang PRC naman, may awtoridad na i-suspende o tanggalan ng lisensya ang teacher.
Ang directory ng PRC regional offices ay makikita sa: https://www.prc.gov.ph/regional-offices-contact-information.
Bukod sa administrative liability, pwede ring may criminal liability o parusang kulong ang teacher under R.A. 7610, o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act .
Sa batas na ito, Child Abuse is defined as the maltreatment of the child which includes any of the following:
- Psychological and physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment;
- Any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of a child as a human being;
- Unreasonable deprivation of his basic needs for survival, such as food and shelter; or
- Failure to immediately give medical treatment to an injured child resulting in serious impairment of his growth and development or in his permanent incapacity or death.
Maliban pa ito sa damages o danyos para sa pinsalang nadulot sa bata.