Ang overtime, dapat bayad! ‘Di pwedeng bawiin sa leave!
Ayon sa Article 88 ng Labor Code – hindi pwedeng iwasan ang pagbayad ng dagdag na compensation o overtime pay sa ganyang mga set-up.
“Undertime Not Offset by Overtime.— Undertime work on any particular day shall not be offset by overtime work on any other day. Permission given to the employee to go on leave on some other day of the week shall not exempt the employer from paying the additional compensation required in this Chapter.”
Article 88, Labor Code of the Philippines
Ibig sabihin, kung nag-OT kayo- kailangang bayaran ang overtime pay equivalent to your regular wage plus at least 25% nito.
Ang pagbabayad ng OT pay ay tungkulin ng employer- at hindi pwedeng takasan sa pamamagitan lang ng pagpayag sa undertime – o pagbibigay ng leaves.
Hiwalay ‘yun sa usapan kung OT kayo, at dahil d’yan ay deserve ang OT pay.
Kung ipagpatuloy ito- may karapatan kayong igiit na dapat bayaran. Kung tumanggi pa rin, pwedeng panagutin ang inyong boss — mag-report sa Department of Labor and Employment o DOLE Hotline 1349, o sa DOLE Regional Offices sa numbers na makikita dito: https://ro12.dole.gov.ph/contact-numbers.