Phishing ang tawag sa maraming modus operandi para kunin ang inyong info (pangalan, username at passwords, bank account at credit card details, CVV code, PIN numbers, o OTPs), at magamit sa financial scam.
Mukhang legit ang kausap at binigyan ng info- pero ‘yun pala, scammer at nakuhanan ka na ng pera!
Napakarami nang modus sa phishing:
Pwedeng dumaan sa email, text, o tawag, link na may promo o napanalunan daw, mga urgent request sa updated bank details, o pagku-kunwaring legit na payment o top-up page.
Kaya importante- doble ingat kung involved ang e-wallets at accounts. Para maiwasan ang panloloko:
- I-verify ang identity ng kausap. I-confirm kung official email, number, website, o app ba nanggagaling ang communications. Kung may duda, i-contact at mag-inquire sa official channels.
- ‘Wag na ‘wag magbigay ng password, pin number, o OTP, o sa iba. Ikaw lang dapat ang makakaalam at makakagamit ng mga ito.
- I-enable ang two-step verification sa online accounts, for added security. Halimbawa ay may password na sa account niyo, may One-Time-Password o OTP pa for every transaction.
- Think before you click! Kung may ‘di kilalang source na magpapadala ng link, mas Mabuti nang maingat at ‘wag ito basta i-click.