Puwedeng violation ‘yan ng Data Privacy Act (o R.A. 10173).
Sa Data Privacy Act, sinisiguro na ‘ang personal information natin- magagamit lang ng iba kung may pahintulot tayo, o kung naayon ito sa batas.
Sakop nito ang lahat ng info na magagamit para matukoy ang identity natin , gaya ng pangalan o picture.
Ayon sa National Privacy Commission:
“If the conversation/screenshot itself allows for the identification of the parties… the disclosure of a private conversation involving personal data without consent of the parties involved, or without some other lawful basis for processing of personal data under the DPA, may be construed as unauthorized processing.”
NPC Advisory Opinion No. 2020-043
Ibig sabihin-
Kung kita sa screenshot ang pangalan o picture, o iba pang personal info, at kinalat sa iba nang walang pahintulot- pwede itong ituring na unauthorized processing na ipinagbabawal ng batas.
Ang parusa-
Imprisonment mula 1-3 years at Multa na P500,000-P2,000,000.
Kung may sensitive personal information (o ‘yung related sa marital status, age, health, sexual life of a person, at iba pa)-
Imprisonment from 3-6 years at Multa na P500,000 – P4,000,000.
Pwede ring singilin para sa danyos, kung may pinsalang nadulot sa biktima dahil sa pag-post.
Kung may paninira pa ng reputasyon- pwede pa ‘yang ituring na Cyber Libel (at may video rin ako about that sa aking feed).
Kaya please, pag-isipang mabuti bago mag-post.
Lahat tayo ay may right to privacy, at sana respetuhin natin ang karapatan ng iba.