Kinakailangan pong magfile ng Petition for Guardianship over the person or property of the minor, or both sa Family Court ng probinsiya o city kung saan nakatira ang minor.
Ayon sa AM 03-02-05-SC o Rules sa Guardianship ng Minors, ang grounds para dito ay:
- death, continued absence, or incapacity of his parents;
- suspension, deprivation or termination of parental authority;
- remarriage of his surviving parent, if the latter Is found unsuitable to exercise parental authority; or
- when the best interests of the minor so require.
Magkakaroon ng mga hearing, at magcoconduct ng case study report ang isang social worker ukol sa kaso. Matapos lamang nito saka magdedesisyon ang korte kung ang nais maging guardian ng minor ay qualified para dito.
Ang pwedeng magsampa ng petition ay sinumang kamaganak or ibang tao on behalf ng minor, or ang minor mimso kung at least 14 years old na siya. Pwedeng magsampa ng Petition for appointment of general guardian over the person, the property, or both of the minor. Pwede itong isampa sa Family Court na may sakop sa tinitirhan ng minor o di kaya naman ay sa Secretary of Social Welfare and Development at sa Secretary of Health kung sakaling kailangan ma-ospital ng minor.
Para sa petisyon sa korte, ito ay kailangan isampa sa Regional Trial Court na designated bilang Family Court ng probinsiya or lungsod kung saan ang minor ay nakatira. Kung nakatira ang minor sa ibang bansa, ang petisyon ay dapat ifile sa probinsiya o lungsod kung nasaan ang properties o anumang parte nito naroon.
Ang mga pwedeng ma-appoint na guardians bukod sa parents ng minor or court-appointed guardian, ang mga nasa ibaba ayon sa pagkakasunud-sunod:
- ang nabubuhay na lolo at lola ng bata, at kung buhay pa ang magkabilang side na mga grandparents ay pipili ang korte ayon sa mga konsiderasyon na makabubuti sa minor;
- ang pinakamatandang kapatid ng minor na lagpas 21 years of age, unless hindi sila qualified or fit na maging guardian niya;
- ang actual na custodian ng minor unless siya ay unfit or disqualified; at
- any other person na sa sound discretion ng korte, “would serve the best interests of the minor”