Puwedeng ampunin ng isang lalaki ang anak sa pagkadalaga ng kanyang asawa.
Sa Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act o Republic Act No. 11642 ito po ang general na rinerequire para sa taong mag-aadopt ay:
- a) Filipino citizen at least twenty-five (25) years of age;
- b) in possession of full civil capacity and legal rights;
- c) at least sixteen (16)-years older than the adoptee;
- d) of good moral character and can model the same;
- e) has not been convicted of any crime involving moral turpitude;
- f) is emotionally and psychologically capable of caring for children; and
- g) and is in a position to support and care for his/her children in keeping with the means of the family.
Dahil po ang gustong mag-adopt ay asawa niyo at magulang kayo ng bata- ang requirement sa 16-year age difference ay hindi kinakailangan sa ganitong sitwasyon.
Malinaw po sa batas na pwedeng i-adopt ng inyong asawa ang anak sa pagkadalaga, at pagkatapos ay magkakaroon kayo ng joint parental authority sa bata.
Gayunman, kailangan ng pahintulot o consent ng biological father ng inyong anak. At kung ang bata ay above 10 years old, kailangan rin po ng child’s consent.
Para naman sa mismong prosesong ng pag-ampon, lumapit lang po sa National Authority for Child Care o “NACC,” ang ahensyang nangangasiwa sa adoption.
Para makita kung makabubuti ba ang adoption para sa bata, ang unang kinakailangang ay ang Case Study sa kalagayan nito ng mag-aadopt.
Bukod d’yan, kailangan rin ng “Supervised Trial Custody,” kung saan oobserbahan kung kamusta ang buhay ng pamilya nang magkasama.
Kung base rito ay makitang para sa kapakanan ng batang ang adoption, pwede nang mag-file ng Petition for Adoption sa Regional Alternative Child Care Office o “RACCO” na nasa ilalim ng NACC.
Dapat itong i-file sa lokal na RACCO kung saan kayo nakatira.
Kung maayos ang lahat- mag-iissue na ang NACC ng Order of Adoption.- na naghahayag na lehitimong anak na ito, at ang bagong pangalan kung saan siya makikilala.
Para simulan ito, pwede kayong sumangguni sa NACC dito:
National Authority for Child Care
E-mail: adoption@nacc.gov.ph
Website: http://www.nacc.gov.ph
Telephone: (632) 8721-9711
(632) 8726-4568
Cellphone No: (+63) 917-322-6222 (NACC)