In general, ang pag-rehistro at pagkuha ng birth certificate ay dapat ginagawa not later 30 thirty days after ipanganak.
Pero kung hindi nagawa sa period na ito at kahit matanda na, pwede pa ring makakuha ng birth certificate!
Sa Revised Guidelines for Delayed Registration of Birth (DILG-PSA Joint Memorandum Circular No. 2021-01 ), mas pinadali ang prosesong ito.
Ang application para sa delayed registration of birth ay dapat gawin sa Local Civil Registry Office (sa lungsod o munisipyo) kung saan pinanganak.
Para sa application, kailangang magfill-out ng Certificate of Live Birth at Affidavit for Delayed Registration na naglalaman ng identity information, kasama ang:
- a) Pangalan;
- b) Petsa at lugar ng kapanganakan;
- c) Pangalan ng magulang at petsa at lugar ng kasal (kung kasal); at
- d) Rason kung bakit hindi napa-rehistro sa takdang panahon.
Kailangan rin ng Negative Certification of Birth Record mula sa PSA (na siyang magpapatunay na wala pa talagang record of birth, para maiwasan ang double registration).
Huli, hihingan rin kayo ng supporting documents na makakatulong sa pag-establish ng identity information, gaya ng:
- a) Baptismal certificate
- b) School records
- c) Income tax return
- d) Insurance policy
- e) Medical records
- f) Barangay certification
- g) Affidavit of two (2) disinterested persons (na may kaalaman tungkol sa kapanganakan)
- h) Certificate of marriage (kung kasal na)
Pagka-submit ng requirements at ma-check ang katotohanan nito, ang local civil registry office ay magpo-post ng notice to the public tungkol sa application niyo.
Kung walang kumontra after 10 days at kumbinsido ang opisina na angkop ito, itutuloy na ang delayed registration of birth at makakakuha na ng birth certificate.
Para magabayan sa proseso, pwedeng dumulog sa inyong local government (lungsod o munisipyo).