Una — puwedeng magsampa ng criminal case para sa qualified theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code.
Sa ganitong kaso, kailangang patunayan ang sumusunod:
- Ang may sala ay kumuha ang personal property;
- Na pag-aari ng iba;
- Nang may intensyong makinabang (intent to gain);
- Nang walang pahintulot ng may-ari;
- Nang walang ginamit na dahas, intimidation, o pwersa; at
- Nang may pag-abuso sa kumpyansa (grave abuse of confidence).
Malinaw na pagnanakaw ito, at masasabing may grave abuse of condidence kung binigyan ng material possession ang may sala dahil may special confidence ang biktima dito.
Ang haba ng parusang pagkakakulong ay nakabatay sa halaga ng ninakaw , at sa kasong kriminal din pwedeng singilin ang civil liability para sa pinsalang nadulot sa inyo.
Pangalawa — kung government employee ang may sala, pede ring magsampa ng administrative case para i-disiplina ito. Ang pag-abuso sa posisyon para gumawa ng mali ang itinuturing na administrative offense ng grave misconduct.
Sakop ng offense na ito ang paglabag ng “established and definite rule of action” o “unlawful behavior.” Dapat sadyang may masamang intensyon sa ginawa, at konektado sa official duties ng public servant.
Ito ay grave offense, at pedeng patawan ng parusang dismissal mula sa government service.
Bukod sa dismissal, ang government employee na guilty sa grave misconduct ay mapapatawan ng:
- Cancellation of eligibility, perpetual disqualification from holding public office,
- Bar from taking civil service examinations, and
- Forfeiture of retirement benefits.
Pwede itong i-reklamo sa mismong ahensya ng government employee, sa Civil Service Commission, o sa Office of the Ombudsman.