Covered ng “Anti-Violence Against Women and Their Children Act” o R.A. 9262 ang lesbian relationships, at protektado kayo ng batas na ito.
Sa Anti-VAWC Act, may malalang parusa sa pag-inflict ng physical, sexual, o psychological violence against a woman, committed by any person na mayroon o nagkaroon ng sexual o dating relationship sa babaeng biktima.
Bukod sa kasong criminal at penalties, under the law ay pwede ring mag-apply for Protection Orders, para iutos ng awtoridad na lumayo o tigilan ng salarin ang violence na ginagawa laban sa biktima.
Ayon sa pagkaklaro ng Supreme Court sa isang desisyon, ang babae sa isang lesbian relationship ay pwedenng maging biktima ng VAWC:
“Clearly, the use of the gender-neutral word ‘person’ who has or had a sexual or dating relationship with the woman encompasses even lesbian relationships.”
Sa batas- protektado ang babae, anuman ang sexual orientation o gender identity ng kanyang ka-relasyon.
Para humingi ng tulong sa ilalim ng Anti-VAWC Act, pwede kayong lumapit sa Violence Against Women (o “VAW”) Desk sa inyong Baranggay, o sa pinakamalapit na PNP Women and Children Protection Desk.