Krimen ito ng physical inuries sa ilailm ng Revised Penal Code.
Ipinagbabawal ang pag-inflict ng physical injuries, at ang tawag at parusa ng krimen, depende kung gaano ka-lubha ang pinsalang naidulot sa biktima.
UNA — Kung dahil sa injuries ay naging incapacitated o nangailangan ng medical attendance ang biktima mula 1 hanggang 9 days- itinuturing itong Slight Physical Injuries- na may parusang pagkakakulong hanggang 30 days.
PANGALAWA — Kung dahil sa pananakit, ang panahon naman ng incapacity o medical attendance ay higit 10 hanggang 30 days- Less Serious Physical Injuries naman ito.
At ang parusa- pagkakakulong hanggang 6 months.
PANGATLO — Kung talagang grabe ang ginawa ng may sala- at naging incapacitated ang biktima nang higit 30 days-
Itinuturing itong Serious Physical Injuries. At base sa kung gaano kalala ang pinsala- ang parusa para ng pagkakakulong ay mula 6 months hanggang 12 years.
Bukod sa kasong kriminal for physical injuries- pwede ring magsampa ng hiwalay na civil case para humingi ng danyos o damages mula sa may sala.
Para sa akin- walang lugar sa lipunan natin ang dahas at pananakit ng kapwa. At sa batas- malinaw na krimen ito.